1. Baking a cake.
Anyway, here's the first. Matagal ko na talagang gustong maka pag bake ng cake na ako lang. On my own. Achieve naman! Di pa ako marunong mag frosting, but the cake worth it. Yummy daw sabe nila! Yey! One down! T_T
Minsan talaga muntanga lang.
May mga bagay talaga na super huli na bago marealize.
After almost 3 years ng pag uusap namin.
Bakit ngayon ko lang naintindihan lahat.
Akala ko kasi dati, babalik pa siya.
Na we still have happy endings.
I'm still hoping.
Tanga lang. HAHAHAHAHA :roll:
Bakit ako nag assume?
Saan galing yung hope na babalik pa siya?
Naging okay ako within three years. Pero aminado ako, na may hope pa din dun. Aminado ako na kahit paano, naghihintay ako. Hinihintay ko siya. Tanga ko nuh. Ganoon ko lang siguro talaga siya minahal. Naghintay ako kahit na wala naman siyang ipinangako. Tanga lang talaga.
Well, unfair, oo. Imagine, he's having good time with his friends, tapos ako naglilibang sa trabaho. Nilulugmok ang sarili sa mga libro.
Ang bilis pala ng paglipas ng panahon.
Parang kelan lang. Bat ngayon lang.
Paano ko ba narealize. Ahh.. habang naglalakad ako, may nakita akong on going na construction na condo nung pauwe na ako last night galing sa trabaho. Pinapanuod ko yung crate habang binababa yung steel na may lamang halong simento. Na alala ko ulit siya. Bigla ko nalang na alala lahat ng usapan namin three years ago. Pang movie ang peg. Tipong parang nag pa flash back pa sa kokote ko lahat ng text messages nya.
It's not yet the end, but the beginning.
Shet. Bat ba kase di ko agad na gets.
Baket ba ang hina ng IQ ko?
Yun pala ibig sabihin nun.
Magsimula akong muli na wala na siya.
Na hindi sa kanya natatapos ang buhay ko.
Wala ng second chance.
Tsk!
Dahil ba sa ingles kaya di ko naintindihan kaagad?
:bop:
Sa dami ng sinabi nya, bakit ito pa talaga ang di ko na absorb agad. Ganoon ba ako ka insensitive nung panahong nage explain sya? tsss..
Ang dami pang what if's na gumugulo sa isip ko dati.
Pero ipinagpatuloy ko buhay ko. Nag sumikap. Hindi ako umasa sa iba para mabuhay ako. Para makapasok sa trabaho. Gusto kong patunayan sa sarili ko na kaya ko. Pa malaki o maliit na bagay.
Tipong, hindi ako sisigaw ng tulong kapag nanjan ang best enemy ko. Ang Palaka. Hindi ako tatakbo kapag tinahulan ako ng aso.
Kakain ng mag isa sa food court. Pupunta ng ospital mag isa. Gagamutin ang sariling sugat.
Ayun. Nakayanan ko naman.
Practice makes perfect ika nga.
Buti nalang.
Di ako pinabayaan ni Lord. May pagkakataong mang nagiisa ako. O madalas man na mag isa ako. Mabait pa din si Lord, kumpleto ang pamilya ko, may maayos akong trabaho at may mga kaibigan ako.
Blessed pa din ako. :naughty:
In short...
Nasa akin pa din ang HULING HALAKHAK. chos! :roll: