Thursday, January 6, 2011

TRISTANIAN DE PAMILYA




Ano to? Bagay ba ito? Hayop ba ito? Pangyayari? Pagkakataon? Saloobin? Ano ba?

Saglit. Sasabihin ko na nga! Tristancafe po ito.

Nakilala ko siya last 2006. Nasa 4th year High school ako nung mga panahong iyon. Wala naman talaga sa bokabolaryo ko ang tu mambay, makipagkwentuhan at makipagkulitan sa mga taong di ko naman talaga kilala sa personal kong buhay. Wala lang,may hinahanap daw kasi akong lyrics ng kanta nun, at saktong nun tinaype ko sa keyboard ang taytol e unang una sa listahan ang Tristancafe.com – Tambayan ng mga Pasaway at mga Walang magawa sa Buhay. Matagal ko din ginamit ang site na to ng hindi tinitingnan yung iba pang features, kumbaga sa gadgets. J Panay lang hanap ng iba’t ibang klase ng kanta,

hanap lang ng hanap, tingin tingin din ng chords. Gusto ko din kasi sanang matutong mag gitara nung mga panahong iyon, kahit na ang totoo e wala naman talaga

akong gitara. Puro pangarap lang. Sabi naman kasi nila wala naman masama sa gustong mangarap di ba? Hayun. Panay tuloy ako pangarap. Pero wag ka, nakabili din naman ako ng gitara at natutong tumugtog kahit paano. Hehe



Sa wakas, nabaling na sa iba ang atensyon ko. Mejo nagsawa na kasi ako magtingin tingin ng kung ano anong klaseng kanta sa site na to. Ano pa kaya ang pwede kong makita? Balik sa Main Page, konting scroll down. HAYUN NA NGA! May nakita akong…



Syempre, napaisip ako. Anong klaseng forum kaya eto? Kapanahunan kasi ng unlimited text nung high school ako bago gumraduate. Kaya kahit may desktop ako sa bahay e, di ko din naman nagagamit mag internet dahil wala din naman kaming connection!!




ANO TO? Hmmmm.. Mukang magkakasundot este, magkakasundo kami ni tristancafe ahh.. Naisip ko lang, base dun sa mga nababasa kong comment galling kung kani-kaninong SN or Screen Name na di mo minsan mabasa, na minsan naman e bastos or di kaya pa chix o pa desente e mukang ayos naman. Social Networking pala eto, Gaga! Haahaha.. Para lang din naman palang sa text, nakikipagusap kung kani-kanino, in form of computer and using internet connection nga lang.

Nung nabasa ko na yung mga post ng iba’t ibang klaseng tao e natatawa/ natutuwa/ naiinis/ nagagalit naman daw ako kung minsan. Lalo na dun sa Love and Intimacy Forum.


Love and Intimacy

Hay nako! Madalas dito ako nakatambay noon. Oh well, hanggang ngayon naman daw ata e. hahaha Mdami akong nababasa na kung ano anong kung anik anik ditto. Mga walang kwentang post na nga kung minsan e. Kadalasan ang tanong e kung si girlfriend ba ay buntis? Keso what days ba ang dapat gawin un. Hala. Bata pa ako nuon. Para sa akin bonggang kabastusan ang makabasa ng ganoong bagay. Hindi lang yun ang nabasa ko, nandyan na nagpost si girlfriend kasi nagbreak sila ni boyfriend, inis na inis kasi di siya tinetext ng boyfriend or girlfriend niya. Kamusta naman? Ano to? Oh May Gulay! Di pa ako dapat sa ganitong mga bagay. Tsk. Tsk. Tsk. Lipat ng ibang forum..


Random Thougths

Natuwa naman daw ako ditto. Kasi from the title itself, it is merely about the thoughts of different people. Huwaw! Engles! Nusbled! Nakakatuwa. May mga taong magaling magenglish, yung tipong nosebleed ng bongga! Meron din namang halatang trying hard magenglish. Meron din namang kesho de bola talaga magenglish. Meron di namang nosebleed din, kasi kahit anong klaseng pag intindi ang gawin mo e di mo talaga siya maiintidihan. Kasi naman wrong grammar na nga, wrong English pa. Sige nga, subukan mong magbasa ng ganong English, ang sakit sa ulo at kokote, try mo! Tingin tingin pa ng konti, nalipat ako sa…


Short Stories

Na amaze ako ng bongga sa forum na to, ang gaganda naman kasi ng kwento nila. Nakakatuwa. Nakakakilig. Umaabot sila ng ilang kabanata. Parang teleserye sa telebisyon na talagang aabangan mo din talaga. Maraming short stories, inspirational stories, poems at kung ano anong stories. Dito nga ata ako nakabasa ng storya ng same sex e. Girl to girl and Boy to Boy love story. Ay! Kaloka! Ganon pala un, well.. thanks to tristancafe este ke admin, kasi wholesome naman ang site na ito. Bawal ang mga rude words, bawal ang mga badwords, at bawal ang diretsahang mahahalay na salita. Alam mo ba kung ano ang parusa sa mga taong katulad nila? Actually di naman ganon ka big deal, di naman talaga big deal kasi mundo ito ng internet, masyadong malawak ang mundong ito, BLOCKED ACCOUNT ang parusa sa mga taong mas pasaway pa sa mga pasaway. Ang dami ko ng nabasang kwento, at meron din naman akong sinubaybayan, yun tipong kinikilig kilig din ako na parang ako kunwari yung bida. Hahaha!



At marami pang iba ang nakita ko. As in. Maraming naging masayang alaala sa bawat forum, even un Announcement ni Admin. Hehehe! Nakakatuwa. Nagkaroon ako ng maraming kaibigan, kaibigan na nanjan kahit na sa malayo at di pa nakakasama ng personal. Pwera biro.

Parte na ng Pamilya ko ang Tkap!

Kasama ko sila magcelebrate ng Christmas at New Year ko.

Kahit na kumakain yung iba habang nasa harap ng pc, sige pa rin ang kulitan, yung iba may exchange gift effect pa. :) ang saya saya!

Kadamay ko sila sa lahat ng kasayahan at kalungkutan ko. Handa silang magbigay ng advices kahit na paulit ulit lang ang scenario. Kahit na naiinis na sila, they still end up giving those advices. Madalas pag walang mapagtripan, kanya kanyang gala nalang sa forum, kanya kanyang kalkal ng kung ano ano. Tapos sugod ang lahat pag may natuklasan sa ibang post. Pag may dayong pasaway at wala sa lugar umasta, inaaway ng bongga hanggang sa magtago ng tuluyan sa ibang SN at magtino. Hahahaha!


Nagtataka ka ba sa mga pinagsasabi ko? hahahaha! Pasensya ka na, kasi nagre reminisce lang ako ng mga moments ko dito sa tkap, 5 years old na daw ako dito this January. Hahaha!


HOY MGA KAPANALIG! MGA KABAGANG! KATROPA! Labs ko kayo! Kilala niyo naman kung sino kayo diba? eeeeeeeeeee.. Ayaw ko na pong isa isahin, kasi baka may makalimutan ako at jombagin pa ako. LOL

Mga NINONG at NINANG kooo! Kilala niyo kung sino sino kayo. Dyusmiyo, kinalimutan niyo ako nakaraang pasko ah, malaki interest nun! Hahaha..

KABRO, SISSY, LUNINGNING, Maam!! wavenana nalang po sa inyong lahat! :)

Sa mga nangaaway sa akin kasi katangahan ko, sore nemen pow.. Magpapakabait na ako.

Sa lahat ng nakakakilala sa akin, ayos lang po ako. Hindi ito pamamaalam, pag aappreciate po ito. hihihi Baka kasi isipin niyo madededo na ako, aba, kelan lang ako nagbago e, di pa naman siguro ako agad kukunin ni lord, ilang days palang ako nagpapakabait. *noti

LALABS YOU GUYS! SUPER THANK YOU FOR THE MOMENTS WE'VE BEEN SHARE FOR THE LAST 5 YEARS OF MY STAYING HERE. *mwaaahugggsss... :)


it's me Yee/mae-mae/ akoMUNAbagoSIYA/ only_you


:)

2 comments:

  1. Ang tyagaaaaaaaaa. :))

    Ako kaka-4 years lang sa tcaf. Naadik. Nakalimot. At naadik na naman ulet. Wah. Lol.

    ReplyDelete
  2. hehehe.. tyaga po talaga, :]
    madalas hirap na kasi makatulog sa gabi kaya hala, sige, magblog nalang ako.. hehehe


    tagal na po ako member, kelan lang daw po nagadik. haha :D

    ReplyDelete