Monday, January 10, 2011

LUTANG.


January 8, 2011

Oo. Pasensya naman at masyado ng late ang post ko, mejo busy daw kasi ang beauty ko nitong mga nakaraang araw e! Well,busy sa mga bagay na di ko din alam. Ang totoo niyan, ito kasi ang panahon na ang gulo ng isip ko. Guston na ngang sumabog sa dami ng iniisip! OMG, wag naman po sana! :)

Tamang trip lang ako nitong araw na'to. Mga bandang hapon nung mag ayos ako ng sarili ko para pumasok sa only subject ko every saturday. Mejo nakakatamad umalis pero ayos lang, routine ko naman din talaga ang umalis ng hapon na kapag araw ng sabado e. Ang kaso, nung palabas na ako ng kwarto ko, napansin kong malelate na pala ako sa only subject ko, hindi din naman kasi sigurado kung darating ba yung professor ko, oo, kasi busy kasi siya nitong mga nakaraan araw e, nakakahiya naman kung iistorbuhin namin di ba? Nahahaha.. Alam mo ba kung anong siste? Pinalitan ko laman ng bag ko, si K, teddy notes and Mr. Blue lang di ko tinanggal sa bag ko. Shorts and extra shirt ang pinalit ko sa notebooks ko. In short, naisip kong magdya jogging nalang ako!

Medyo wala talaga ako sa hulog nung araw na'to. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil sa bangag ako. Oy, hindi naman sa alak ha! Bangag marahil dahil super tanghali na ako nagising. Nadadalas na kasing late ang tulog ko e. Tendency tuloy masakit ang ulo sa umaga, hayun, lutang sa maghapon! Dahil doon, naisip kong magdyajogging nalang ako, para mabawasan naman tong timbang ko! Nyahahaha!

Lakad-lakad ng mahaba papuntang Remi Field, doubted na ata akong magdyajogging. Eh kase naman, parang nung gabing palang yun nagpeprepare na sila para sa Subic International Marathon para kinabukasan. Nakoooo, sinasabi ko na nga ba, purnada na naman tong jogging ko! Hayun. Tumambay nalang ako sa Ministop malapit sa Remi Field. Katext ko mga classmate ko, mga nagsipasok daw sila, WEH? Hahahaha.. Wala talaga ako sa sarili ko. Imagine, kung kailan graduating saka naman ako nagki-kikilos ng ganito? tsk tsk! Nagdecide akong mag-coffee trip nalang habang nakatambay. Natatawa ako sa sarili ko, ano to? Naligo, nagpabango at namasahe ako ng bongga para lang magkape dito sa labasan? Hahahaha.. Hala sige, magkakape nalang nga ako!






Feel na feel kong mag-isa lang ako nung araw na yun! Wala lang, di naman ako ngse-self pity, nagse-self review ako! Hahaha Bago ba? Hmm.. Nag iisip lang ng kung ano ano tungkol sa buhay ko. Marami na kasing nagbago pagkatapos ng isang taon, may mga bagay na dumating at bagay na umalis sa buhay ko. May mga bangungot din na dapat ko ng iget over, ASAP. Hahaha! Iniisip ko kung ano ano ba yung mga gusto ko. Basta marami akong iniisip. :) Habang naghihintay at nagkakape ako sa Ministop, naisip kong magsulat nalang ng kung anong anik anik ko. Kesa naman kumausap ako ng taong di ko naman kilala di ba? mas mahirap un, mapagkamalan pa akong baliw! Hahaha! Nagsusulat ako pag may gusto akong sabihin, nagsusulat ako pag nararamdaman kong walang gustong kumausap sa akin, basta nagsusulat ako, kahit ano lang. Kaya hayan, lagi kong dala si Teddy Notes ko. Bigay sa akin yan ni teta. Wala na akong pinipiling oras ng pagsusulat ngayon, mas gusto ko pang magsulat habang naghihintay si Manong Driver ng pasahero kesa makinig sa ipod, walang effort e! Kanta kanta lang, hmf! HMMM.. Anu ano mga pinagsusulat ko nun? madami, isinulat ko kung anu anong mga bagay ang gusto kong mangyari sa akin sa year na'to. Ano ang plano ko pagkatapos ng graduation ko. Kailan ako magsisimula at paano ako magsisimula para makuha ko yung gusto ko. Kakayanin ko ba kung magsisimula na ako ngayon, sa dami ng responsibilidad na meron ako? Anak kasi ako. Pinsan, pamangkin, ate, nanay-nanayan, studyante, kaibigan, secretary, treasurer at ninang. Ah, basta, maraming obligasyon! Hahaha Di naman ako nagrereklamo, kesho ayaw ko na sa kanila, kasi sila din naman yung nagpapasaya sa buhay ko. Kapag super down ako, sila ang nagbibigay inspirasyon sa akin, sila ang pinagkukuhanan ko ng lakas. Bongga! Hehehe!





Oh hayan! Sa sobrang kapraningan ko, naglakad ako mula sa SBMA first gate hanggang sa sakayan ng jeep pauwi sa amin. Malayo un kung sa malayo. Pero kinaya ko. Past 8pm na ata un, naglakad lang ako magisa. Hinintay ko yung mga classmate ko para lang magpakita sa kanila, tapos hihiwalay nalang kako ako pag pasakay na sila ng jeep. Wala talaga ako sa hulog e, wala ako sa mood makipagsabayan sa banatan nila ng jokes. Nakakahiya naman at baka maitransfer ko pa sa kanila tong nega vibes ko. Kaya para maging okay kahit paano, baka kako kailangan ko lang ng fresh air. Nakakatakot ang maglakad sa gabi pero enjoy ako maglakad nung gabing yun. D
un pa naman sa dinaanan ko mejo delikado, dati kasi hinabol na kami ng lalaking manyakis dun e, buti nalang wala na siya, nako, baka siguro nakauwi ako ng bahay ng lawit ang dila sa pagod! Hahahah! Feel na feel kong maglakad, pakanta kanta pa ako, iniisip isip ko kung bakit ako magiging malungkot e ang daming reason para maging masaya. Di ba, di ba?? MARAMING BAGAY ANG MAGPAPASAYA SA AKIN, KAILANGAN KO LANG BUKSAN ULIT LAHAT NG SENSES KO. :)





Ang lamig-lamig ng hangin, Grabe! Pero di sinlamig ng eksena sa sakayan ng jeep pauwi sa amin. Di pa din pala tapos ung sunog sa Happy Valley Supermarket. Madaling araw palang daw nagsimula yung sunog at naabutan ko pa talaga sila nung gabi. Ang daming taong nanunuod sa usok at mga bumbero, sarado din ang highway na dinadaanan ng yellow jeep. Nun ko lang kasi nakita yung eksenang yun kaya nakitingin na din ako, saka isa pa, nung nalingat ako sa pilahan ng jeep papunta sa amin e parang wala ata dun! Hala ka! Palinga-linga ako sa paligid ko kung may familiar bang mukha na taga sa amin din para makapag tanong ako kung saan nalipat yung sakayan namin. Hindi ko talaga alam kung saang lupalop sila nalipat! HMF! Nanghinayang pa ako kasi di ko nadala si sissy Digee ko. Di ko tuloy macover ng maayos, buti nalang kahit paano mejo malinaw shot ng Sony Ericsson ko. Hayown! kakalinga ko saka konting lipat ng pwesto e may nakita akong kakilala ko. Gulat naman daw ako at nakita ko si Nick pauwi na din sa kanila, buti nalang kaya kahit paano may nakasama ako maghanap kung saan nalipat yung pilahan ng jeep pauwi sa amin. Natatawa ako sa sarili ko, kasi nakapaglakad ako ng magisa sa kahabaan ng Magsaysay Drive at Rizal Avenue ng magisa pero nung hahanapin na ung sakayan pauwi sa amin mejo natakot na daw ako. Feeling ko kasi di na ako makakauwi, hmmm.. or baka siguro natakot lang ako na maglakad pa ulet pauwi sa mismong bahay namin?? HAHAHAHA.. but anyway, thanks to you friend nick. :) Special mention ka pa dito ha? Hehehe :)


No comments:

Post a Comment