Wednesday, January 12, 2011

step forward..



Another one step forward in my life, my graduation day.


Nung isang araw, Tuesday, isa lang ang subject ko at super late pa ang pasok. Medyo nakakatamad talaga pumasok pag ganon ang schedule sa school. Madalas kasi di naman ako lumalabas ng bahay kung hindi naman tungkol sa school activities ang pupuntahan. Hindi ako mahilig pumunta kung saan saang gatherings or party. Kaya tendency, pag walang pasok di ako umaalis ng bahay. Nakakulong lang sa loob ng kwarto ko. Kung hindi natutulog, nagcocomputer, nagbabasa ng libro, nagwowork out, naglilinis ng bahay o gamit ko o di naman kaya nakatulala lang sa kawalan. Ganyan ang buhay ko, at ayaw ko ng ganon. Para akong preso kapag di ako nakakalabas ng bahay. Pakiramdam ko magkakasakit ako. Ewan. So kahapon nga, kahit na ganon ang pakiramdam ko, tinatamad ay pumasok pa din ako. Syempre, kahit pano naman mabait naman akong studyante. :) Nakaayos na ako nung biglang tumunog cellphone ko, text galing kay amboy, pinapapasok na daw ako ni Mam, kaylangan na ata ung pinapagawa niyang teaser sa akin. Natawa pa ako ng kaunti kasi parang nananakot pa yung text niya. Hehe Sinabi pa niyang aalis daw si Mam kaya bilisan ko daw. Hahaha! Kilala ko silang dalawa ni Mam pakulo lang nila yun para umalis na talaga ako ng bahay at alam kong kilala din nila ako, lagi akong late sa usapan. Pero sakto namang nakaayos na ako nung time na yun, mabuti nalang at maaga ako naligo nun, dalawang oras pa bago ang aming klase. Pumasok na ako.

Pagdating ng school, pumunta agad ako sa library para alamin kung bakit ako hinahanap ni Mam at naisip kong wag nalang muna ako magpakita, pagkatapos nalang ng klase ko tutal di pa naman siya uuwi. :D Natatawa ako sa mga reaksyon ng mga kaibigan ko habang nakaharap sa bukas ng libro, kala mo naman nag aaral talaga. Hehehe! Nakapost na daw sa bulletin yung final list ng graduating this march2011.


TALAGA?? sabi ko naman. Alam ko namang gagraduate ako, at oo ngayong year na'to. Pero iba pala yung pakiramdam ng nakita mo yung pangalan mo sa listahan ng lehitimong aakyat ng entablo para kumuha ng diploma ngayong Taon. Iba pala talaga. Sa sobrang excited at saya ko, e muntik muntikan pa akong magsplit sa pinto ng library! Hahaha Nakakahiya! Buti nalang at gabi na yun at wala masyadong nakakita. Kantyawan pa sa library, lagi daw talaga magiingat lalo na't graduating. Hahaha! But the thought still remain on my head, ga-GRADUATE NA AKO!!
Makukuha ko na yung diploma ko, magsusuot na ako ng itim na toga!


THIS IS IT! THIS IS REALLY IS IT!!


January 11, 2011 ko nalaman. This is the day na formal kaming nagbreak. He let me go and gave the hardest reason i ever heard. Ito eksakto yung araw nung nakaraang buwan na umiiyak ako na parang kinakatay na baboy. Yea. That's really the right term for me. Hehe Kasi yan ang totoo. This is the time na di ako makausap ng maayos, iyak ng iyak, tulala at kalakihan lalo ng eyebags. Ito yung time na para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sobrang sakit. I can still remember the sounds of my heart breaking into pieces this time. Sobra. And i thought, January 11 would also be painful for me, but im wrong, its not. In fact, eto yung araw na nagbigay ulit sa akin ng bagong hope.


About what my 'Mam' asking for me to do is yung teaser para sa tour trip namin this February. At kasama dun yung Oceanarium. Naalala ko siya nung makita ko yun. Kasi matagal ko ng gustong pumunta sa lugar na yun, mula nung iere na binuksan na nga yun sa public. Lagi ko pinagpepray na sana makapunta ako dun. Nabanggit ko sa kanya yung tungkol dun at sinabi kong pupunta ako dun if i have my chance na, at malamang after graduation ko na yun. Siya din daw di pa nakakapunta, i ask him kung kelan niya balak pumunta, after graduation ko daw. Kinilig naman daw ako. :) Haaays. I dont know kung makakasama ako sa field trip, baka maiyak lang ako dun. Hahaha! Gusto ko kasi talaga sana ikaw ang kasama kong pumunta dun, pero malabo na, malabo pa sa tubig sa kanal. Tsk tsk! Ang unfair mo talaga, di ka man lang bumawi sa akin, sa lahat ng pagkukulang mo. Sana man lang pinasaya mo ako kahit paano, tinupad mo na muna sana yung mga pangako mo para kahit paano naging masaya ako. SANA.. Hanggang dun nalang yun. Hindi siguro ikaw yung person na meant kong makasama sa pagpunta dun. Hindi nga siguro ikaw.

1 comment: