Wednesday, February 9, 2011

BATANG MUSMOS sa DAAN



Ano ang bagay na nagpapakumpleto ng araw mo?


Ako? Pagkain. Kahit na marunong naman ako magfasting, pagkain pa din ang kadalasang nagpapakumpleto ng araw ko. Kapag stress ako, i just ate chocolates tapos presto! At ease na ulit ang system ko. :)

Naisip ko lang,

Paano kaya ang mga batang hindi nakukumpleto ang tatlong beses na pag-kain sa isang araw? Paano kaya sila nakakasurvive? Kaya siguro, kahit ayaw nila o walang alam sa epekto ng rugby, sumusubok sila dahil sa paniniwalang dito mawawala ang pagkalam ng mga sikmura nila.


Nasaan kaya ang mga magulang nila? Minsan may nakausap ako, ang magulang niya? Si Itay niya andun sa inuman, hindi na kayang sulusyunan ang problema kaya nilulunod nalang sa alak ang sarili. Si Inay naman niya nasa higaan, hindi na makatayo dahil sa dinaramdam na sakit. Ang batang musmos na dapat sana ay nasa iskwelahan at nagaaral para sa ikakaunlad ng kinabukasan, ayun, nasa kalsada, sinasarili ang obligasyon na dapat sana ang magulang niya ang gumagawa para sa kanya. Kawawa ba siya? Siguro oo. Pero hanga ako sa mga batang tulad nila. Dahil sa liit ng mga braso at binti niya, malaki ang pangunawa niya. Ang pang unawa na kailangan niyang kumilos para mabuhay sila. Ang pagisip na dapat ay maging responsable siyang anak. Saludo ako sa mga katulad niyo. :)


Kanina nang pauwi na ako galing school, dumaan muna kami magbabarkada sa isang grocery store para bumili ng pagkain na gusto naming iuwi. Eggnog, bread stick at Loaded ang napili ko. Lahat in Large size. :) Kinain din namin yung iba naming nabili sa jeep habang nasa byahe. Pagkababa ng sasakyan itatapon ko sana sa basurahan yung kalat namin pero sa halip napansin ko yung dalawang bata sa kariton. Yagit na bata, madumi ang suot na damit at hindi ko alam kung nakapag hapunan na ba sila. Dalawa sila, naisip kong baka magkapatid sila. Nakakatuwa naman, kasi sa kabila ng sitwasyon nila, andun pa din ang ngiti sa labi, ang saya, dahil magkasama sila. :) Natuwa ako, kaya kinuha ko un nabili kong breadstick sabay lapit sa kanila.


Kumain na kayo? Gusto mo. Sayo nalang. :) Baka kasi di pa kayo kumakain e.

Natakot pa nung una yung bata, siguro dahil hindi naman niya ako kilala. Pero inabot niya ng maayos yung inabot kong pagkain. Nakakatuwa, mala anghel na ngiti nung kinuha niya. :)
Hindi man siya nagsabi ng SALAMAT o THANK YOU.
Ayos lang, sapat na yung ngiti sa mga mata niya para sabihing thankful siya.


Sana nabusog sila kahit paano sa binigay ko.

May isang bata pang nagpapahanga sa akin.
Sana makita ko siya ulit.
Sa susunod, ikukuwento ko siya sa inyo.

No comments:

Post a Comment