Thursday, December 12, 2013

Ang Mashed Potato at ang Burger




Kahapon. Tumambay ako sa Jollibee SM Cyberzone along Sen. Gil Puyat Avenue. Hinihintay ko kasi mag alas dos, para sa interview ko sa Metrobank. Habang kumakain ako ng order kong Mashed Potato at Spaghetti, may isang matandang pumasok sa loob ng store. Ambagal nya mag lakad. Dala siguro yun ng sakit nya sa paa. Hindi ko alam kung anong sakit, pero nagpapabagal yun sa kanya maglakad. Siya lang mag isa. Mejo nairita pa ako sa grupo ng mga kababaihan na palabas na dahil nagawa pang makipag unahan sa matandang hirap makapasok sa mabigat na glass door ng Jollibee Store. Akala ko nung una, mang lilimos eto, o papasok sa loob ng store para harapang humingi ng pagkain. Sinundan ko siya ng tingin. Pero hindi. Pagkadating sa counter, kumanan siya. Gagamit pala ng comfort room si tatay. Nalungkot ako o sabihin na nating may kasamang awa. Hindi naman siya madungis tingnan. Hindi din naman mukang kawawa. Nalulungkot lang ako kasi mag isa lang siya. Naisip ko lang, ayaw kong tumandang mag isa. Bigla kong naisip. Hindi nga naman pala yun malabo mangyari.




** Nakikinig kasi ako ng favorite song ko. (napapangiti ako ngayon)



Ilang beses ko ba kasing sasabihin sa sarili ko na hindi ako kailan man mag iisa. Na hindi ako kailan man maiiwang mag isa. Lagi akong may kasama. Mayron ding ibibigay si Lord na para sa akin. Yung taong makakasama ko hanggang sa pagtanda. Darating din yung panahon na may masasabihan ako ng, God gave me you. :)


Maya maya kaunti, lumabas na si tatay. 

Sarap na sarap ako sa kinakain kong Mashed Potato. Parang ayaw kong mawala yung lasa nun sa bibig ko. Hindi po ako bias ha. :) Masarap talaga. 

Tinitingnan ko lang si tatay gang sa tuluyan na siyang makalagpas sa mabigat na pinto na yun. Napatingin ako sa kina kain ko. 

Wala na talaga akong pera. Pero na touch nya ang puso ko.
Sa totoo lang, nagdalawang isip pa ako.
Kasi nahihiya ako. Baka mamaya kasi isipin ng ibang tao, epal ako.
O kaya baka naman mamaya, excuse ko lang yun, "nako. baka kainin ko lang din to mamaya."

Pero iba talaga sigaw ng puso ko eh.
Tumayo ako. Umorder ako ng Burger at Mashed Potato.
"Sana hindi matagal yung order. Baka maka alis na si Tatay."

Feeling ko, ang layo na ni Tatay. Nakuha ko na yung order ko. Di ko na nagawang umorder pa ng drinks para sa kanya, kasi wala na talaga. Di bale, si Lord ang gagawa na ng paraan para iba. 

Paglabas ko ng pinto. Wala na si Tatay.
Ang alam ko, pakaliwa ang daan nya. 
Pero wala siya.

"Sabi na nga ba, ako lang kakain nito eh. Hay nako. Ibibigay ko nalang to kung sinong may kailangan."

Kaunting lakad pa, may nakita akong matanda.
Hindi siya yung hinahanap ko. Pero inagaw din nya ang aking pansin.
Malayo palang kasi, abot tanaw ko na yung ngiti nya.
Wide Smile talaga.
Kitang kita ko na despite of everything, naka ngiti siya.
May kausap siyang lalaki.
Sa tyantsa ko, magkakilala sila na parang hindi.
Napaisip ulit ako kung ibibigay ko pa ba yung hawak ko.
Baka kasi mamaya, may masabing iba yung lalaki.

"Kapag nilagpasan ko siya at kausap pa din nya yung lalaki. Hindi ko na talaga iaabot."


Binilang ko bawat hakbang ko,

Isa.

Dalawa.

"Ang tagal namang umalis ng lalaki."

Tatlo.


Lumagpas na ako sa kanila.
Dalawang hakbang ang layo ko sa kanila.
May pasalubong akong nag uusap na babae at lalaki.
Huminto ako.

"Mali eh."

Naka guhit sa isip ko ngiti ni Tatay.
Para sa kanya to eh, at hindi para sa akin.

Lumingon ako.
Ngumiti ako. To my surprise, he gave me his sweetest smile.
Malayo pa yung pag abot ko sa kanya ng hawak ko, pero nakangiti na siyang inaabot ito.

~ Nakakatuwa naman.

Pagka-abot ko sa kanya. Tumalikod na ako. 
Nakangiti ako.
Umalis na din yung lalaking kausap nya.
Sumabay na din siya ng paglakad sa akin.
Sabay kwento na, lagi daw nanduon si tatay.
Kilala na daw yun duon. Nakatira daw yun malapit lang sa lugar na yun.

Nanghinayang lang akong, di ko siya nabati ng Merry Christmas.

Salamat po.

Hindi man naging successful yung araw na yun para sa akin.
At least, it makes sense. Lahat nga ng bagay, nangyayari ng may dahilan. :)

You really moved me Tatay.
The two of you.

Na-miss ko bigla Parents ko.


God Bless you both Tatays'.

No comments:

Post a Comment