Since we became college, marami nang nagbago. It’s hard to explain. And then i realized, mga pangarap pala namin sa buhay ang magpapahiwalay sa amin. Ilan taon na din ang lumipas since nagkahiwalay kami. Hindi ako sanay sa ganito. Pag naaalala ko nga yung moments na magkakasama pa kmi, napapangiti nalang ako. I missed them. It’s been 3 years na kming ganito. Nung una, ung isa palang ang umalis, pumuntang manila to continue her studies in some universtity at manila. Next, umalis din yung isa to be a worker of God somewhere in Cabanatuan. Tapos, nagasawa naman na yung isa and blessed to have a baby named Lalai. Tapos ngayon umalis nanaman ung isa, manila din. Tatlo na yung umalis, tapos kming andito sa place na ito e minsan nalang din magkita dahil kahit were in the same place kanya kanya pa din ang buhay.
I’m not selfish to ask them to stay and be together. I understand why should they go. Namimiss ko lang yung moment dati. Naiisip ko nga, kelan kaya kmi ulit makakapagpapicture ng kumpleto. Hindi yung, laging kulang ng isa o dalawa. Minsan, dalawa tatlo lang yung nasa pictures.
Masaya naman kahit kulang. Pero iba pa din talaga pag yung kulang e napunan. Naiintindihan mo ba? Well, meron din naman akong kebigan n mga lalaki. Pero xempre iba sila sa amin. I agree about the saying na ang friendship ng mga lalaki ang madalas mag last. Eh kase naman most of the time gurls ang madali magbago ng ugali, o should say madaling mahawa sa outmosphere na kahit ilang araw palang nalalanghap. The same way i did sometimes.
I’m happy on what my friends have now. One or two years nalang matatapos na din kaming magaral, like what we dreamt yesterday of our moment. The time we start to build our own dreams na pinagdugtong dugtong para sa gawain. We will buy new buses that to be donated sa church. Magpapatayo ng isang malaking pastoral para maganda ang panambahan. Dun kami ikakasal sa taong pinakamamahal namin. Lalakad at magsasabi ng ‘i do.’ hahaha korni ba? Pero yan ang pangarap na binuo namin habang mga nakatihaya at nakaharap sa kisame. Minsan nga, naidrawing pa namin ang future house namin sa kapirasong papel. Kase nga, we thought na after few years ay walang magbabago, na sana kung ano kami ngayon yun din ang samahan nmin bukas.
Pero ito ako, isa sa pitong magkakaibigang babae. Longing for the time that we could spent time together again.
Kinamusta ko sila kanina, at nung mga nakaraang araw, nagtatanong kung kelan kaya sila makakauwi, mukang malabo nanaman daw. haai. Naisip ko lang, kung di cguro ganon kelangan sa buhay ang edukasyon, magkakasama pa kaya kmi ngayon. Still innocent in the real world of life? Siguro kung pinili namin ang magpatuloy na lamang sa pagpapagamit sa gawain ng diyos, mas masaya siguro kami. Sabay sabay na tumatawa at humahalakhak. No commitments sa school. No hectic sked to be checked. Sana ganon lang kadali ang life.
Sa haba haba ng sinabi ko, ito ang conclusion ko, kahit pa na nagkahiwalay tayo, mapunta man kayo kung saang lupalop ng mundo, nandito pa din ako. Hindi ko kase kayo hinanap para maging kaibigan lang, hiniling ko kayo sa itaas to be with me and be my friends and angels. So, whatever life might brings to us, still our friendship will last.
:0
No comments:
Post a Comment