Tuesday, September 1, 2009

mga batang hinubog ng ibang tahanan.

Nakaugalian ko ng manuod ng iba't ibang documentaries sa telebisyon na naglalahad ng mga problema ng ating bansa. Mahirap pa din tanggapin na mismo tayong mga pilipino ang sumisira sa ating likas na kayamanan. Ramdam ko ang kirot ng aking kalooban sa mga batang wala muang sa buhay, di alam na namumuhay sila ng walang laban. Lumalaban man ay sa paraang alam lang nila.

Ang napanuod ko ay nagkukuwento tungkol sa mga batang hinubog ng sariling pambihirang karanasan sa sariling bansa at natutong imulat ang mga mata sa masakit na katotohanang bumabalot sa ating bansa. Tinulungan ng mga tinuturing kalaban na mga dayuhan, niyakap at binihisan para makilanlan. Ang mga batang ito ay mula pa sa magulong lugar ng ating bansa. Ang mindanao. Nakakatuwa dahil sa kabila ng mga hirap at bigong naranasan nila, di pa din nawala sa kanilang puso ang pag-asa at pagtitiwala sa kanilang kinikilalang tagapagligtas na si Allah. Doon sa ibang bansa sila tinuruan ng mga iba't ibang bagay na syang nghubog pa lalo ng kanilang isipan at pananaw sa buhay. Sa tulong na din ng iba't ibang programang sumusuporta sa mga kabataang ito, sila ay nabigyan ng pagkakataon na maliwanagan sa kabila ng hirap ng dinadanas ng ating bansang Pilipinas ngayon, ang solusyon ay nasa atin pa din bilang isang mamamayang pilipino ng sarili nating bansang Pilipinas.

PILIPINAS! Panahon na ng pag-gising.

No comments:

Post a Comment