May nangyari sa akin kanina. at di ko alam kung dapat ko bang sabihin yun dito. di ko talga matanggap ung ibang sinabi sa akin ng taong to. matagal xang nawala. lumaki at nagtuto akong magdesisyon ng wala xa, pero eto xa ngayon matapos ang ilang taong di naming pagkikita, bumalik na xa. Si papa. Nagkaroon ng galit sa puso't isip ko kanina, at ang masakit pa hanggang ngayong gabi dala-dala ko pa din ung galit na yon. di ko ugaling magtanim ng sama ng loob, sa totoo lang nga, nawawala na yun kanina, pero bumalik na naman kaninang paguwi ko nang makita ko ang nanay ko na natutulog sa sofa na walang matinong unan at kumot. uo, di ako perpektong anak, madalas nun walang xa nagaaway talaga kami ng nanay ko. inaamin ko sinasagot ko madalas nanay ko na naging parang habit ko na din. nagsosorry naman ako, feeling ko kse magkapatid lang talaga kami ng mama ko. Isang anak lang kasi ako. Mahal ko sila pareho, mahal din daw niya nanay ko, pero bakit ganon? hinahayaan niya matulog nanay ko sa sofa habang sya andun sa malambot na kutson ng kama?? Ayoko marinig ang mga dahilang xa ang nagpakahirap para umaus at magkaroon ng maganda kaming buhay ng nanay ko, dahil bilang pamilya, obligasyon niyang bigyan kami ng maaus na buhay. Hindi dapat yun kelan man dapat isumbat. oo, tama xa, matanda na ako, may sariling pag-iisip! pero di ako perpekto, tao pa din ako, kelangan ko pa din ng magulang na magsasaway sa akin sa panahong kailangan akong sawayin. Lahat ng bagay dapat asa tamang paraan. Hindi sa ayaw kong magpasaway sa aking magulang, gusto ko lang sabihing, hindi ako robot, ang pagsaway ay ang pagpapayo ng kung ano ang mas nakakabuti, hindi ang pagdidikta kung ano ang dapat gawin. Matagal ka din pong nawala, sana naman iniisip mo din po na ako, bilang anak mo, may mga bagay na nagbago, may mga ugali akong hindi mo magugustuhan at hindi ako perpekto, tanggapin mo sana ako kung sino ako. AKO AY AKO.
Alam mo, sobrang nagpapasalamat ako sa diyos kasi kahit pano natanggap na ni mama na talagang hindi ako perfect na anak, lagi kong sinasabi sakanya yan, na hindi ako perpekto, natutuwa ako kasi nandyan si mama sa lahat ng nangyari sa buhay ko. Sa katigasan ng ulo ko, sa mga pagiging pasaway ko. Sa totoo lang si mama ang pangalawang bestfriend ko, kahit na iniiwan ako nian sa church pag matagal, mahal ko yan si mama. Madami na nga akong nagawang mali e, pero iniintindi niya ako, anong resulta? natuto akong magdesisyon sa sarili ko. Natuto akong magisa. Proud nga ako e, kasi yung ibang mga kabatch ko ni hindi marunong makihalibilo sa ibang tao, pero dahil nagtiwala sa akin si mama na kaya ko, nakayanan ko.
Marunong naman akong magrealize ng mga bagay na binibigay at pinapakita sa akin ng mga taong nagmamahal sa akin e. Hindi mo pa talaga ako kilala, kahit ganito ang samahan namin ni mama, na ang akala mo binabastos ko sya? hindi totoo yan, nanay ko yan eh. eto lang kasi ang paraan ko para masabi ko sa kanya lahat ng nasa loob ko, para mas makilala nia ako, mahirap kasi sabihin lahat ng nasa loob lalo na pagiisipin kong nanay ko ang kausap ko. Hindi naman siguro mahirap intindihin yun. Sabi niyo sa akin, wag akong maglilihim sa inyo ni mama, at un naman ang ginagawa ko, pero pano ba yan, hindi niyo naman pala ako kayang intindihin, dapat ko pa bang sabihin ang lahat sa inyo??
Nadudurog ang kalooban ko kanina habang pinapagalitan mo ako sa harap ng kaibigan ko, alam mo bakit? kasi super proud ako sa'yo! kasi sabi ko sa kanila, naging mabuti kang ama sa akin, pinagaaral mo ako, binigyan mo kami ng maaus na buhay ni mama, nagsumikap ka makaahon talga tayo sa hirap, saludo ako sayo bilang ama ko. Pero sa kanina, sa bawat sinasabi mong hindi magagandang salita, nasasaktan ako, kasi ayokong isipin na mali ang pagkakakilala ko sayo. Ayaw ko ng alisin yun sa isip ko, pero bakit ganon? hindi mo na naman naintindihan, inisip mo na namang sarili ko lang ang iniisip ko, na nahihiya ako dahil sa pagkakamali ko. Totoo akong tao, hindi ko tinatago kung ano ang meron ako. Alam nila kung ano ang mga kahinaan ko. Hindi mo na kailangang ipahiya pa ako sa kanila, dahil proud ako kung sino ako.
Sorry po sa lahat ng maling nagawa ko, hindi naman kasi talaga ako perpekto.
Sorry po kung hindi talaga ako regular na nakakatulong sa gawaing bahay,
Sorry po kung nasasagot ko kayo madalas,
Sorry po kung pasaway akong anak.
Hindi ko na kasi mababago ang sarili ko,
Ang panalangin ko nalang sa mahal na panginoon na sana tulungan niya ako maging mabuting tao.
Taong marunong magpakumbaba sa kapwa ko tao,
Taong marunong tumanggap ng pagkakamali,
Taong marunong magmahal ng sariling magulang,
Taong marunong magpasalamat sa lahat ng bagay meron man o wala.
Marami akong natutunan sa pagiging choir ko sa mahigit labing isang taon,
Sa lahat ng panahong yun, hinubog ako ng Mahal na Panginoon na magkaruon ng takot sa kanya.
Sya ang nagpaunawa ng mga bagay na hindi ko dati maintindihan,
Masaya ang pakiramdam pag kasama ang mga kapatid sa Mahal na Panginoon,
Sama-samang naglilingkod, nagpupuri at nagpapasalamat sa kanya.
Kaya sana Pa, wag ka magdamdam kong nasabi ko na 'kawalan mo ang hindi pagpunta sa ilang taong pagdaos ng talipao anniversary sa Manila'. Hindi ko po sinabi un bilang anak, sinabi ko po yun bilang kapwa kristyano niyo din. Masakit isipin na sa kabila ng pagpapala na binigay sa atin ng mahal na panginoon un pa ang lalabas sa bibig ninyo. Hindi ko pa po nasasabi sa inyo, itong nakaraan lang nanaginip ako, isang bahay daw mula sa malayong probinsya, may maayos na bahay, concrete ang dingding, at salamin na bintana, pero sa labas kitang kita na napapalibutan tayo ng ahas. Malalaking ahas na gutom na gutom. Hindi po maganda ang ibig sabihin ng panaginip kong yon, kaya gaya nga po ng sinasabi niyo dati, 'BE WISE'.
Sorry po ulit ma at pa.
Wag po kayong magalala, mahal ko po kayo.
-edang
No comments:
Post a Comment