wahahaha. ano ba yan binabantayan ko talga ang oras. parang ayaw kong umabot sa 12 un maliit na kamay ng orasan! Birthday ko daw kse! hay. tanda ko na. tsk! happy birthday to me.
maraming nagtatanong kung ba't ba ang tao habang tumatanda lalong nagiging malungkot ang birthdays? dati di ko pa alam ang sagot, pero ngaung gabi parang alam ko na. Alam ko na kung bakit nalulungkot ako, kse nararamdaman kong mag-isa ako. Unlike nun bata pa ako, ako ang bida sa araw na to, birthday ko e, dapat ako lang pinakamaganda at pinakamabait. Wala kayong karapatang sirain ang araw na to dahil BIRTHDAY ko. no other reason at all, basta it's my birthday. Invited lahat ng kalaro ko nuon, kaylangan di ako matatalo sa laro namin, kailangan magpaparaya sila, dahil araw ko to.
Nakakatawang balik-balikan un araw na un. Ngayong 19 na ako, parang di na ako masaya sa birthday ko. HMF! Sino ba namang magiging masaya na sa mismong araw mo e eto ako gumagawa ng mga requirement sa school, anjan si feasibility study, si cases at si research paper. Di pa nakuntento, exam pa pagkatapos with no celebration of my birthday at all. Cover to cover pa ang final exam, di din papahuli ang mga major subjects, naman. cover to cover din no.
Minsan nga pag mas sinusuerte e exam talga mismo sa araw na to, syempre pagsapit ng 12 gising ka pa, nagbabasa para pumasa sa exam, matatapos ang araw na yon na pagod ka kakaisip, kakaisip kung may tumama ba sa mga sinagot mo sa exam. Ewan!! Ordinary day nalang talga. Kung dati-dati kasama mo pa mga barkada mo sa birthday mo, naun eto, wala sila, nasaan? di ko alam, di ko nga din alam kung alam ba nila na birtday ko naun. Naiiyak ako, babatiin kaya nila ako. Sana naman maalala nila tong special day ng buhay ko. Hay. Pahirin n nga ang tears! hehehe
ano ba yan, naun ko lang narealize, after of my 8yrs na birthday ngyon ko nalng ulit makakasama si papa ko. Kaya lang, wala naman sila bukas. hehehe! kamusta naman? Naiyak tuloy ako. Out na muna ako.
Basta birthday ko naun.
Batiin mo naman ako.
Happy Birthday to me!
wag mo ng i-wish na dumami pa an birthday ko,
i-wish mo nalang na sana matpos ko mga requirement ko.
No comments:
Post a Comment