Sunday, February 6, 2011

Mundo




Baon mo noon sa elementarya anim na piso
Mahigit kumulang na bente pesos ng napunta ka sa hayskol
Pero anong pinagbago?
Habang tumatagal lumalaki din naman ang gastos mo


Tumuntong lang ng kolehiyo biglang naging isang daang piso
Wala pa yung photocopy at print ng docs para sa titser mo
Bilang ka ng bilang, wala din namang naiipon
Sa pamasahe palang tastas na sinulid ng pitaka mo

Nagkaroon ka na ng magandang trabaho
Siguro naman meron ng pinagbago
Marami ka na sigurong ipon noh?
Patingin nga ulit ng pitaka mo baka sakaling punong puno ng limang daang piso


Naririnig mo ba?
Nagrereklamo na mga pitaka mo.
Ang hilig mo kasi bumili ng kung ano ano
Bili ka ng bili ng pitaka pero kinukulong mo lang sa loob ng turbo


Ang hilig mo kasi sa night life
Punta dito, punta doon
Lahat nalang ng avenue napuntahan mo
Tapos hahanapan mo si pitaka ng laman pagsapit ng bayaran

Hay.
Reklamo ka ng reklamo.
Hindi ka naman kumikilos.
Galaw galaw para di maistrok.
Tandaan, ikaw ang nagbago
Hindi ang Mundo.

No comments:

Post a Comment