Saturday, February 5, 2011

Simula

Letrato ng nakaraan
Bakit ba ang hirap mong kalimutan?
Ilang beses na kita pinalayas
Pero pilit ka pa din lumalabas mula sa kung saan.

Ang alam ko binaon na kita
Doon sa ilalim ng kahon ng nakaraan
Pero bakit ganon?
Lagi mo pa din akong sinusundan.
Sumusulpot ka ng basta lang.

Buwan na ng Pebrero
Marami ng naghahanap ng ermetanyo
Kahit sino, basta lang may ka valentino

Kailangan ba talaga may kaisa?
Bakit ba takot tayong mag isa?
Ikaw, nasubukan mo na ba?
Ang maglakad ng walang kasama?

Masaya.
Depende sayo kung paano mo gagawin.
Maglalakad ka lang naman di ba?
Hindi mo naman na siguro kailangan ng alaga.


2 comments: